Monday, March 30, 2009

woooohhooooo

holy shit pansit...
yun lang masasabi ko.
idagdag mo pa na nakainom ako ng kape kanina so kabadong kabado ako hahaha...
as in ramdam na ramdam ko pagkabog ng puso ko bago pa pumasok dun..

so yun. nagawa ko kanina, pumunta ako dun sa shop, tapos naabutan ko siya .. name niya is mary rose muriel. pagpasok ko pa lang nasa pinto na siya.. imagine mo na lang parang nagkalabu-labo na yung mga inipon kong sasabihin. pero nasabi ko ang lahat.. wala namang regrets. kung hindi man siya sumagot.. e ok lang di ba? ang pakiramdam ay parang yung feeling ng isang meteor galing outer space tapos biglang bumagsak sa lupa. masaya.

so nung una pa lang, ngiti na niya ang sumalubong sa akin. dahil dun medyo kumalma ako.. tapos nagpatulong akong pumili ng shirt.. tapos sumunod nun hirit na ako nang hirit. patok naman. "lam mo, nabobother ako tuwing dumadaan ako dito e, pag nakikita kita parang gusto ko lang pumasok dahil wala lang". ngumiti lang siya sabi niya "ganun sir!". tapos chinicheer kami nung cashier na bestfriend niya >.< marami pa akong nasabi pero sigurado ko na kung sino man ang makakabasa ng mga yun e manonose-bleed.. kahit ako ayaw ko nang ulitin wahahaha! so nung babayaran ko na mga nabili kong shirt.. hiningi ko number niya "muriel, ok lang ba mahingi ko number mo?" ngiti siya.. "para malaman ko kung sakaling meron kayong bago di ba.. unless gusto mo bang araw araw kitang bisitahin? :D" sabi nung cashier "may ganun?" =)) (napa-wtf ako sa sarili ko nun dahil hindi ko alam saan nanggaling yung hirit na yun)

ayun.. tapos nun tinanong ko pa kung anong oras ang out nila.. pero tingin ko sumosobra na ako kaya sabi ko joke lang hehe. tapos nagthank you ako at lumabas. narinig ko pa sabi nung cashier "kakaiba talaga ang beauty mo!" kay muriel ahaha.

well nakuha ko yung number niya, i think yun lang talaga main goal ko ngayong araw na to. tinext ko siya nung 8:15 siguro (i think mga 7:50 niya binigay, so ibig sabihin naglakad muna ako konti bago nagtext) kaso ngayong 8:45 na wala pa rin siyang reply.

ang sa akin. ok lang. kung hindi siya sumagot. baka busy lang. o ano man. nagawa ko ang lahat ng gusto kong gawin. yun lang yun. masaya pa rin ako kahit na maaaring pumalya ako :)

this is definitely something i'll remember for the rest of my life ^__^