Sunday, May 24, 2009

craptastic

wala namang balita talaga. just that siguro sa isang linggo mga twice na lang akong bumibisita sa kanila. (kagagaling ko nga lang din kanina hehehe) naguusap pa rin kami sa text. yun lang naman. parang gusto ko na rin mag-lie low (lay low?) kasi i think hindi naman talaga magwowork out between the two of us e. kaso tuwing iisipin ko yun, saktong sakto darating text message niya. may kabuluhan naman, tulad nung isang araw nagtext siya sabi niya "uy nakapagrequest ako ng off bukas .." kala ko.. bakit ako tetext ni muriel nang ganun? baka may dahilan, so tinext ko yung nasabi din ni km "so ibig sabihin niyan puwede tayong lumabas bukas?".. pero hindi pala lolz! may lakad kasi daw sila ng tita niya, nagpunta silang subic. nung araw na yun (kinabukasan) hindi niya masyado na-enjoy yung lakad nila, i think nagkaproblema pa sila ng tita niya kasi nabadtrip siya nun. pero during yung outing niya e usap pa rin naman kami nang usap.

kanina tinanong ko siya, sakaling magpunta kami (or kung may balak) ng palawan - el nido.. eh kung gusto ba niya sumama. sabi niya: talaga palawan? but no thanks i don't belong to your group ma-oop lang ako. may point siya, pero naisip ko.. sila sarge, jam, erwin, cuencky at km? pano ka ma-oop nun e maya't maya binubully ka wahaha. sabi ko mababait naman sila at makukulit.. pero naiba na yung topic so.. ewan haha.. hindi ko rin alam bakit ko pa siya tinanong ng ganun in the first place.

ayun. at least i think medyo papunta na ako sa "gray area".. hindi na ako yung sobrang patay na patay o obsessed. malay. abangan ang susunod na kabanata.

bukas last day ni thessa, ako ang taya. gastos nanaman wahahuhuhu... ;_ ;
medyo malas tong araw na to. nung sa violin lesson ko, medyo hindi ako ready. yung renewed passport ko napirmahan ng dad ko by mistake. yung partner ko sa badminton nahataw ko sa wrist (at may violet na lumabas).. tapos hm.. well hindi naman malas, nagpunta ako kina muriel na may dalang pringles at softdrinks na de bote.

sleep time.. 10:11pm..

Saturday, May 2, 2009

random

hm.. wala ako masyado masulat recently. naisip ko parang hassle naman kung ikwekwento ko lahat.. kasi araw araw na yata ako bumibisita nung mga nakaraang araw haha... summary na lang siguro ng ilan..

1. nagtext siya one time nung mga hapon about a really good news, she got a "top seller" award tapos masayang masaya siya. sabi ko celebrate namin yun. so pumunta ako, before that bumili muna ako ng greenwich pizza, ang malala nun, paglabas na paglabas ko ng greenwich, watda-ef nakita ko mom ko naglalakad. dali dali akong naglakad pataas, ibang route hahaha.. buti na lang hindi naman napansin. tapos dinala ko kina muriel. masaya siya nun :)

2. nagtext siya nung isang araw, mukhang bored siya at mahina ang benta nila nung araw na yun. so ang ginawa ko nagpunta ako sa kanila, bought 2 shirts. tapos parang weird, dumami yung tao bigla tapos naging busy siya hehe. sa huli pagkatapos makipagkulitan, lumabas muna ako, pagbalik ko sabi ko "dumaan lang akong kfc, tapos sabi nila nanalo daw ako nitong dalawa, sa inyo na lang :D".. habang bitbit ang tig-2 1pc meal + choco mousse + large pepsi. nung gabing yun nagtext text pa kami..

3. ngayong araw tinry ko siyang hindi kausapin o itext. hindi rin ako bumisita.. pero nitong hapon hindi ko natiis. nagtext ako sabi ko "ang boring ng araw ko pag hindi kita nabibisita.. kamusta ka na? anong bago? :)" pero ngayong 9:24pm na wala pang reply..

so.. siguro may improvements konti, hindi ko rin masabi kung development hehe. kasi andun pa rin yung mga problema.. una ay sabi niya kasi may bf siya, friends daw muna kami, sabi lang ni angel medyo shakey sila nung bf niya and i should still stay. then hindi siya chinese. then napilitan kasi siyang magwork nang maaga kaya maaga niyang nahinto yung college. then busy siya madalas kasi maaga siya pumasok tapos sobrang late matapos ang work.. hiya naman akong ayain siya sa day off kasi parang bihira na nga siya magkaron ng pahinga e kukunin ko pa yun..

medyo nalilito ako ngayon totoo lang. medyo clear naman sabi ni muriel actually, na friends naman kami at nasa sa akin naman yung kung itutuloy ko ang mga ginagawa ko. may be ok ako sa kaniya.. medyo ok.. or may be not. ako lang kasi tong makulit na punta nang punta at dala nang dala ng kung anu ano wahahaha... ganun talaga pag medyo inlab..

hay. ayaw ko rin ihinto agad. kasi hindi ko pa siya talaga nakikilala. tsaka sabi nga ni sarge.. enjoy lang muna. wala pa naman e. >.<