Sunday, February 8, 2009

nightmare

may dalawang bagay akong akala ko natakasan ko na nung bata pa ako kaso nangyari/dumating ngayon.

una yung music lessons, kala ko iniwan ko na yung mga minememorize namin dati nung high school, mga notes, counts, musical terms at iba pa. pero hayun, pinaulanan ako ni liza (teacher ko sa violin lessons) ng mga ito huhu.. ginisa ako ng todo. yan kasi, memorize ha, etong sayo bentam!

tapos paguwi ko, sa dinner namin, nagluto ang nanay ko ng tinatawag kong "punishment soup".. yun ay yung si-but theng (si-but soup). bakit punishment soup? ang hitsura niya ay itim, tapos may chicken na pina-itim ang balat at laman, tapos may mga parang gamot gamot na orange at mukhang prunes na itim. tapos ano ang lasa? imagine mo na gumawa ka ng sabaw na ang ingredient ay charcoal... medyo mapait. hindi masarap. crap.... pero sabi kasi nila pampalakas daw yon at pampalinaw ng mata. sina dad at kuya sarap na sarap huwatda... no choice.. :(

so yun, kanina eh first lesson ko sa violin. nung nakarating ako dun sa malapit sa dorm na glodenco, pumunta muna ako sa malapit na ministop para kumain, kasi mga 12pm pa lang naman, pansin ko may couple sa loob kumakain at nagkataon na tinawag nung guy na "liza" yung girl. nakita na pala nila ako hahaha.. may dala daw kasi na violin. hirap ako konti dahil parang nagiistand-out ako sa lugar na yun. halatang hindi taga doon. dumeretso na ako agad sa may harap ng bahay nila liza at kumain habang naghihintay sa kanilang bumalik. nang biglang may kumausap sa akin na lolo. kapitbahay nila liza. mahilig daw siyang magpiano at napaka-rare daw ng mga tulad ko na kusang gustong matuto magviolin. sabi nga nila rajah e, pambabae daw to. pero i don't care. gusto ko to e. dati ko pa gustong tumugtog ng violin. wala lang pera hehe.

hindi ko ineexpect na sobrang bata ni liza, siguro nasa 20's, pero magaling siya sobra. parang purely music talaga profession/inaatupag niya simula bata pa lang.. parang ganun yung impression ko sa kaniya hehe. mabilis siya magsalita, at kahit na familiar na sa akin yung ibang natuturo niya, medyo na-information overload ako hehe. tapos nahirapan ako sa tamang paghawak ng violin, dapat relax lang pero lapat na lapat ang lahat ng hair (ng bow) sa strings ng violin.. ayan di ba sabi ko nung una hindi "screeching sounds" ang lumabas nung tinugtog ko ito sa bahay? eh kasi naman mali pala ang hawak ko kaya kanina lumabas na yung screeches... ;(

pero di bale, practice practice lang.

Saturday, February 7, 2009

my new baby :)

been a month now since i last made a new post lawl!

well. what to write.. hmm well here she is, i finally got her and ain't she a beauty:


got her from cj deathstrike (talsik dapat laway sa pagpronounce), her former owner. paguwi ko nilinis ko siya agad. pinahid pahid ko siya, binasa ko lahat ng butas at sulok.. gamit ng cleaning wax. inalis ko lahat ng libag at alikabok niya gamit ang aking mga kamay. now she looks almost like brand new (it was less shiny before than the one above). tapos nun nilaro laro ko siya agad. dinutdot ko siya nang dinutdot hanggang siya'y umungol. so far i've only come so near as to play "baa baa blacksheep", and i'm sure my handling is incorrect.. but i was happy she was cooperative enough to help me get a perfect note instantly instead of a painful shriek. i have yet to ask her what her name is.. corny siguro no? pero wala lang hehe, mas prefer kong isipin na hindi siya basta instrument lang. she's more than that :) tomorrow i'll bring her with me for a lesson from miss liza, my violin instructor near UST. can't wait to play her again nyehehe >:)

next time dalhin ko na siya sa opis at sasabayan ko ang bapor ni jj hahaha!!

besides the new violin, ang "what's new" sa akin was last uhm... monday ata.. i got the chance to meet the girl that dada wants to "make-reto". she's really cute, looks sweet, a little taller, laughs easily and seems easy to be with. pero as always.. even after a failed relationship, i still have with me this incurable untalkativeness disease which led to my temporary demise. next time babawi ako hehe. i'd like to know her more. kaso yun nga lang medyo mahirap siyang mareach.. i have to get through to her on my own.

ano pa ba ang bago.. currently mas adik na ako lumabas kasama sina sarge, jameni, km and etc. well hindi naman sobrang dalas pero kukumpara mo naman sa dating ben e ibang lebel na ito hehe. inaabot kami nang 1-2am kakalaro ng left4dead o kung hindi naman e movie night o arcade night. kahit ano lang hehehe. masarap silang kasama at sobrang dami kong natututunan, mga bagay na dapat dati ko pa nalaman.

sige hanggang dito muna.. wala pa maisip :P