Sunday, February 8, 2009

nightmare

may dalawang bagay akong akala ko natakasan ko na nung bata pa ako kaso nangyari/dumating ngayon.

una yung music lessons, kala ko iniwan ko na yung mga minememorize namin dati nung high school, mga notes, counts, musical terms at iba pa. pero hayun, pinaulanan ako ni liza (teacher ko sa violin lessons) ng mga ito huhu.. ginisa ako ng todo. yan kasi, memorize ha, etong sayo bentam!

tapos paguwi ko, sa dinner namin, nagluto ang nanay ko ng tinatawag kong "punishment soup".. yun ay yung si-but theng (si-but soup). bakit punishment soup? ang hitsura niya ay itim, tapos may chicken na pina-itim ang balat at laman, tapos may mga parang gamot gamot na orange at mukhang prunes na itim. tapos ano ang lasa? imagine mo na gumawa ka ng sabaw na ang ingredient ay charcoal... medyo mapait. hindi masarap. crap.... pero sabi kasi nila pampalakas daw yon at pampalinaw ng mata. sina dad at kuya sarap na sarap huwatda... no choice.. :(

so yun, kanina eh first lesson ko sa violin. nung nakarating ako dun sa malapit sa dorm na glodenco, pumunta muna ako sa malapit na ministop para kumain, kasi mga 12pm pa lang naman, pansin ko may couple sa loob kumakain at nagkataon na tinawag nung guy na "liza" yung girl. nakita na pala nila ako hahaha.. may dala daw kasi na violin. hirap ako konti dahil parang nagiistand-out ako sa lugar na yun. halatang hindi taga doon. dumeretso na ako agad sa may harap ng bahay nila liza at kumain habang naghihintay sa kanilang bumalik. nang biglang may kumausap sa akin na lolo. kapitbahay nila liza. mahilig daw siyang magpiano at napaka-rare daw ng mga tulad ko na kusang gustong matuto magviolin. sabi nga nila rajah e, pambabae daw to. pero i don't care. gusto ko to e. dati ko pa gustong tumugtog ng violin. wala lang pera hehe.

hindi ko ineexpect na sobrang bata ni liza, siguro nasa 20's, pero magaling siya sobra. parang purely music talaga profession/inaatupag niya simula bata pa lang.. parang ganun yung impression ko sa kaniya hehe. mabilis siya magsalita, at kahit na familiar na sa akin yung ibang natuturo niya, medyo na-information overload ako hehe. tapos nahirapan ako sa tamang paghawak ng violin, dapat relax lang pero lapat na lapat ang lahat ng hair (ng bow) sa strings ng violin.. ayan di ba sabi ko nung una hindi "screeching sounds" ang lumabas nung tinugtog ko ito sa bahay? eh kasi naman mali pala ang hawak ko kaya kanina lumabas na yung screeches... ;(

pero di bale, practice practice lang.

2 comments:

vetz said...

masarap kaya si-but haha

or alam ko yung luto ng inyo. lasang gamot. yung samin kasi lasang sabaw naman. hindi ganon kadami na sibut yung nilalagay. hehe tska marami sahog. haha. (sahug?) tama ba? haha

tsajka yung chicken hindi pinaitim. itim tlga yung skin nun. yung feathers nun puti :P hhahaha.

Jam said...

krooo krooo