Friday, June 5, 2009

plop!

nitong nakaraang mga araw panay work lang inatupag ko, andun pa yung medyo may problema sa team namin at sumasabay pa ang ibang project. andun din yung stress na kelangan bantayan tatlong ojt all for.. rewss may be. pero gusto ko sana talaga makapagfocus sa ginagawa ko dahil halos wala na akong oras sa sarili kong gawain nung nakaraang 2-3 sprints wahehehehehe.

i think it's been more than 2 months now since nagsimula akong magblog about kay muriel. march 30 ata nagsimula ang lahat. all i can say is.. talagang wala e. may be she was just up to it for the fling. medyo nawawalan na rin ako ng gana mainly because we don't communicate.. well enough. siguro masyado akong demanding pero kasi sa text na nga lang kami makakapagusap (dahil ayaw daw niyang tawagan ko siya) tapos ang gulo pa niya. kunwari magtetext siya simula "kain po", tapos dadaldalin ko siya, siguro mga naka2-3 text na ako pero hindi siya magrereply, then kinabukasan na magrereply "mownin". parang ... eh? ano na ba pinaguusapan natin? nawala na hahaha! and then may once nagtext siya sabi niya nagtaxi na daw siya papuntang opis kaso nasiraan so naghihintay siya at mahirap makasakay and maulan nun. so nagtext ako nagiinquire kung ok na siya or what. pero nung hapon na ng sumunod na araw nagtext "kain poh". then sabi ko di siya nagtext naworry ako nun. ang nasabi lang niya ay alam ko naman daw na sobrang pagod na siya at etc. o.o;; so ang last na nangyari e nagtext siya kahapon nang umaga ".,morning po" then wala pa akong reply hanggang ngayon, pakiramdam ko parang group text lang naman yon. template na send to all. so bzzzzz.. kru kru pa.

puntahan ko man sa store nila, paulit ulit lang din nangyayari, konting usap lang, tapos bibili ako ng shirt (rinse and repeat). hindi ko naman siya puwedeng daldalin magdamag dun syempre kasi nagtratrabaho rin siya. parang nasasawa na rin ako sa ganung paulit ulit.

i think, soon, dapat tapusin ko na to. feeling ko kasi masyado nang matagal at wala namang nangyayari. parang wala nang saysay. wala na rin akong nakukuhang maganda at hindi na ako nageenjoy sa ginagawa namin. may be it's time to move on to the next.. on the path to finding the right partner.

No comments: