Tuesday, June 30, 2009

tarant...ula..

matagal tagal na rin since nagsimula ang lahat, kala namin nagbago na siya pero parang ganun pa rin. member siya ng team namin ngayon, dati kong project lead. ang problema? tinatamad siya. so ano kung tinatamad siya? hindi na siya masyado nagtratrabaho kahit na kaming mga kasama niya naghihingalo na, mas mabuti pa yung OJT nakokonsensya at humihingi ng trabaho. siya kahit nahuli na nila sir jecal at ng iba pang head at tinutulungan namin para hindi mapahamak.. ay sige lang nang sige.. at feel niya nakakatuwa dahil naiisahan niya kami

galing sa plurk:
"first day back in the office. pfft. dami pa rin trabaho"

line graph????? daming trabaho????????? eh library lang naman yun na icocopy paste at imomodify nang kaunti madami na? may 3 days pa siya para don naknam.
di ko lang alam kung pano niya nasisikmurang sabihin ang mga status niya sa sprint..
or yung sasabihin niya bukas.. "sir whole day ko pong itetest yung line graph library ko".

at yung pagiging amnesiac niya sa v35 conf chat namin, na pag kakausapin mo ang sagot e "ha?".. kasi naistorbo mo siya sa "trabaho" niya sa whereisaif.

totoo lang, we don't give a shit kung ganun. nagsusurf din kami pero sa tamang oras naman.. at kung trabaho, trabaho pa rin bago ang lahat. at least wag yung may madadamay sa kalokohan mo. at wag yung matututuro ka at ipagyayabang ang pagkakamali ng iba...

ngayong araw na to, bawat lingon namin sa screen niya panay facebook, plurk, at multiply lang, rinse and repeat.. hindi ko alam na puwede ka na pala magcode ng php sa project namin sa tatlong yon. samantalang kami naghahabol ng trabaho, at maya maya tinatanong ni sir kung kamusta na siya..

No comments: