Thursday, April 23, 2009

hmm..

since i last argued with my parents about muriel. this aching shit in my chest acted up again, courtesy of my ex. yun yung pakiramdam na masakit yung sa dibdib, mabigat na parang mahirap huminga. parehas nung kay jameni. i'm not sure why i had to have that again but oh well..

yung last na nangyari ay nung nagpunta ako sa shop nila. tumambay, tumulong atbp.. tapos saktong nasira phone niya, nagoffer naman akong ipaayos sa kuya ko, tapos niregaluhan ko siya ng phone .. yung simple lang.. para may magamit siya. (long story). tapos yun.. monday yata yun. so ang usual na text niya ay.. kung kamusta na yung phone. medyo parang nabawasan yung hilig ko sa kaniya dahil dun, di ko alam kung bakit.. ewan ko ba.. so mula nun hindi pa ako bumabalik.. kanina lang ulit kasi ang bigat talaga ng puso ko.. siguro nalulungkot din kasi akong ibalita na hindi maayos yung phone niya.. so pagdating sa sm, naisip ko tutal medyo badtrip ako buong araw at mabigat ang dibdib, itotodo ko na. as in babalita ko sa kaniya tapos tingin ko mababadtrip siya tapos sasablay ako sa pagbisita ko atbp. pero bago nun, naghanda ako ng buffer. bumili ako ng lasagna supreme sa greenwhich. sobrang tagal dumating nung order, as in kahit ako ginutom na hahaha. pero yun.. dinala ko dun tapos nakita ko siya..

yung hitsura niya ay yung parang "halaaaa naku yan nanaman si ben may bitbit nanaman na kung ano" na nakangiti hehehe. tapos nandyan na rin si whil (wala siya last week nasa ibang branch) pero wala naman si angel. kwentuhan konti tapos iniabot ko yun food, same way as before yung reaction niya. tapos natuwa siya sabi niya nandyan na din daw yung VIP card ko. sabi ko kung puwede pahingi ng autograph niya.. nang pabiro. sabi ko tumakas lang ako mula sa opis para bisitahin siya. tapos ganun siya ulit yung parang ndi mapakaling lalakad palayo sabay "ikaw a hahampasin kita nito e :)" (sabay hawak sa isa sa mga damit na naka-display). napansin ni whilma yung damit ko, sabi niya cute daw sa akin (yung may casette tapes), at meron daw 50% off sa san lazaro branch nila, sabi ko "50% off dun.. kaso meron bang muriel sa san lazaro?" :P

tapos nun, sinabi ko kay muriel about sa phone niya, good thing hindi naman nabadtrip, siguro may lungkot pero.. yun. tapos nagpaalam na ako. sabi niya "ingat... sila sayo :P babay. thank you. :)"

you know what.. feel ko as if.. hindi na ako ganun ka-head-over-heels (tama ba?) in love .. hindi na kabado, parang sanay na. i'm not sure if that's good? o senyales ba to na tulad ng sabi ni cuencs e narerealize ko na infatuated lang ako nung una?

then when i got home.. the heavy pain/feeling in my chest was... just gone... o.o

No comments: