Sunday, February 8, 2009

nightmare

may dalawang bagay akong akala ko natakasan ko na nung bata pa ako kaso nangyari/dumating ngayon.

una yung music lessons, kala ko iniwan ko na yung mga minememorize namin dati nung high school, mga notes, counts, musical terms at iba pa. pero hayun, pinaulanan ako ni liza (teacher ko sa violin lessons) ng mga ito huhu.. ginisa ako ng todo. yan kasi, memorize ha, etong sayo bentam!

tapos paguwi ko, sa dinner namin, nagluto ang nanay ko ng tinatawag kong "punishment soup".. yun ay yung si-but theng (si-but soup). bakit punishment soup? ang hitsura niya ay itim, tapos may chicken na pina-itim ang balat at laman, tapos may mga parang gamot gamot na orange at mukhang prunes na itim. tapos ano ang lasa? imagine mo na gumawa ka ng sabaw na ang ingredient ay charcoal... medyo mapait. hindi masarap. crap.... pero sabi kasi nila pampalakas daw yon at pampalinaw ng mata. sina dad at kuya sarap na sarap huwatda... no choice.. :(

so yun, kanina eh first lesson ko sa violin. nung nakarating ako dun sa malapit sa dorm na glodenco, pumunta muna ako sa malapit na ministop para kumain, kasi mga 12pm pa lang naman, pansin ko may couple sa loob kumakain at nagkataon na tinawag nung guy na "liza" yung girl. nakita na pala nila ako hahaha.. may dala daw kasi na violin. hirap ako konti dahil parang nagiistand-out ako sa lugar na yun. halatang hindi taga doon. dumeretso na ako agad sa may harap ng bahay nila liza at kumain habang naghihintay sa kanilang bumalik. nang biglang may kumausap sa akin na lolo. kapitbahay nila liza. mahilig daw siyang magpiano at napaka-rare daw ng mga tulad ko na kusang gustong matuto magviolin. sabi nga nila rajah e, pambabae daw to. pero i don't care. gusto ko to e. dati ko pa gustong tumugtog ng violin. wala lang pera hehe.

hindi ko ineexpect na sobrang bata ni liza, siguro nasa 20's, pero magaling siya sobra. parang purely music talaga profession/inaatupag niya simula bata pa lang.. parang ganun yung impression ko sa kaniya hehe. mabilis siya magsalita, at kahit na familiar na sa akin yung ibang natuturo niya, medyo na-information overload ako hehe. tapos nahirapan ako sa tamang paghawak ng violin, dapat relax lang pero lapat na lapat ang lahat ng hair (ng bow) sa strings ng violin.. ayan di ba sabi ko nung una hindi "screeching sounds" ang lumabas nung tinugtog ko ito sa bahay? eh kasi naman mali pala ang hawak ko kaya kanina lumabas na yung screeches... ;(

pero di bale, practice practice lang.

Saturday, February 7, 2009

my new baby :)

been a month now since i last made a new post lawl!

well. what to write.. hmm well here she is, i finally got her and ain't she a beauty:


got her from cj deathstrike (talsik dapat laway sa pagpronounce), her former owner. paguwi ko nilinis ko siya agad. pinahid pahid ko siya, binasa ko lahat ng butas at sulok.. gamit ng cleaning wax. inalis ko lahat ng libag at alikabok niya gamit ang aking mga kamay. now she looks almost like brand new (it was less shiny before than the one above). tapos nun nilaro laro ko siya agad. dinutdot ko siya nang dinutdot hanggang siya'y umungol. so far i've only come so near as to play "baa baa blacksheep", and i'm sure my handling is incorrect.. but i was happy she was cooperative enough to help me get a perfect note instantly instead of a painful shriek. i have yet to ask her what her name is.. corny siguro no? pero wala lang hehe, mas prefer kong isipin na hindi siya basta instrument lang. she's more than that :) tomorrow i'll bring her with me for a lesson from miss liza, my violin instructor near UST. can't wait to play her again nyehehe >:)

next time dalhin ko na siya sa opis at sasabayan ko ang bapor ni jj hahaha!!

besides the new violin, ang "what's new" sa akin was last uhm... monday ata.. i got the chance to meet the girl that dada wants to "make-reto". she's really cute, looks sweet, a little taller, laughs easily and seems easy to be with. pero as always.. even after a failed relationship, i still have with me this incurable untalkativeness disease which led to my temporary demise. next time babawi ako hehe. i'd like to know her more. kaso yun nga lang medyo mahirap siyang mareach.. i have to get through to her on my own.

ano pa ba ang bago.. currently mas adik na ako lumabas kasama sina sarge, jameni, km and etc. well hindi naman sobrang dalas pero kukumpara mo naman sa dating ben e ibang lebel na ito hehe. inaabot kami nang 1-2am kakalaro ng left4dead o kung hindi naman e movie night o arcade night. kahit ano lang hehehe. masarap silang kasama at sobrang dami kong natututunan, mga bagay na dapat dati ko pa nalaman.

sige hanggang dito muna.. wala pa maisip :P

Monday, December 22, 2008

hay

so eto nanaman ako, halos pakiramdam ko desperado na ako sa kakahanap, pati na sa mga lugar na corny na pumunta. kasi hinahanap hanap ko nanaman yung pakiramdam na yun. gusto ko makakilala ng bago. yung ok sana... ewan. malapit na ang pasko. malamig nanaman hehe. pero sanay na sanay na. bukas pasok ulit, trabaho ulit. malay natin, makilala ko pala yun bukas haha. malapit na umabot ng 444 ang nasa FS ko.. nasa 441 pa lang.. senyales ba yon? o.o

Sunday, November 16, 2008

life as of 11/16/08

eto ako ngayon,
na halos araw araw isip ako nang isip kala ko hindi na ako makakalabas dun nang buhay,
ngayon lampas lampas pa. sinara niya ang pinto, pero mas madami pa ang nagsibukasan at mas ok pa sa inaaakala ko.

work has been sweet lately, mas fulfilling. i'm now trusted with what i am capable of, minsan natatakot din ako sa sarili ko, i could do just about anything as long as i believe in it. yabang no haha.. konting confidence lang.. pagbigyan na hehe

and recently someone's knocked on the door... masaya ako pag nakikita ko siya, pag ngumingiti siya .. kumpleto na araw ko. pag kakausapin niya ako.. puwede na akong mamatay dahil parang wala na akong hinahangad kung di ang makapiling siya. siya na kaya yun? baka.. baka hindi. pero ok lang. tuloy lang ako :)

i'm never gonna give up

Thursday, September 4, 2008

regularization ;)

orayt, bukas regular na

Wednesday, July 9, 2008

sigh monday

so monday na daw ulit kami magkikita.. sabi ko "ok take care" kasi hindi ko talaga alam ano sasabihin ko. tapos umalis na ako.. habang kumakain ng breakfast isip ako nang isip, shit dapat kinuha ko pala number niya, why not?! para akong kinakain ng buhay sa kakaisip ng ganon. inihip ko lang yung buong bowl ng quaker tapos akyat agad ulit, i went in and asked for her cell number, seems like may bad experience siya by giving her number out dati. kasi may nagkalat daw ng number niya and maraming di kanais nais ang nangyari. so sabi ko ok i understand, panget nga naman yon. sabi niya she's glad i understood :)

lol, at least i tried.

no, i haven't given up. not yet >:)

Saturday, July 5, 2008

movie marathon

since i had the extra 8 hours out of my usual 8 hours and was bored, i decided to try out what renan does. yeah, movie marathon. eh ang lapit lang naman ng sm centerpoint sa amin, parang bahay na nga lang e haha. so dumeretso ako dun nitong hapon, pinatos ko tatlong sine. una kung fu panda, then hancock, last yung wanted.

don't worry i won't spoil a thing. :P

yung kung fu panda antagal ko na kasi gustong panoorin talagang namimiss ko lang yung mga pagkakataon.
yung hancock hindi ko inaasahang papanoorin ko pero matagal pa kasi yung kasunod na showing ng wanted kaya yon. sa opinyon ko.. hindi ko siya nagustuhan. gusto ko na tumayo't umalis nung medyo gitna dahil nakakainis na ituloy panoorin.. don't get me wrong. will smith played the role really well, as well as the other actors/actresses... yung istorya lang talaga ang kulang. tapos non wala na kain kain, deretso nood ng wanted. malupet yung wanted, medyo nakakainspire. at some points parang nakakarelate. hindi ko sure kung bakit pero paborito ko dun yung part nung binalikan niya apartment, slammed the door open on his bestfriend's face, tapos nandun yung dati niyang girlfriend tapos naghalikan sila ni angelina jolie. i laughed to myself. "he's the man" =)) ewan ko ba wahahahaha. weird.

yon.

kain muna pang-gabi.