Saturday, October 24, 2009

blabitibla

seriously, i'm just a guy with a lot of time in his hands. yeah i did a lot of overnight shit for the past few weeks but i don't remember turning down any invitation because of that.. did i? i dono haha. so today nagpakaloser mode ako ulit, i asked her out to a movie but again, she was busy.. i said that's alright, but even saying "that's alright" was already getting boringly repetitive. i might get used to that, or i might just scoot. there's a lot out there waiting for me. and i'm just lazy, a bum.

so since my offer got shot down. i just watched alone. 500 days of summer. i hate how i could badly relate with the guy, and had to admit that what happened to me was just right. destiny my ass... ho well. fergit that..

so now i'm finally feeling that quarter life crisis shit. i'm in this age and yet i feel like i'm living how i should be living when i was still 20. this isn't right.. hindi naman masama pero ayaw ko lang siguro ng ganun. someday i'd like to move out and try to live alone. may be.. and finally own a mazda 3 and my own pad/house. i dunow. some people of my age are already living that kind of a life.. what do i really want with mine?

sa ngayon i'm still searching.. whadahell.. bukas punta kaming sementeryo.. iwas sa maraming tao, told my 'rents pag namatay ako ayaw ko ng ganun... napakahassle, just throw my ashes in the trash can or something lawl..

Saturday, September 19, 2009

more emo than a can of spicy century tuna

kamusta kamusta?

laging ganon ang tanong pero .. wala namang nagbago.. nakausap ko si julie. nakwento ko na minsan pakiramdam ko wala akong gustong gawin, parang huminto bigla ang mundo at nasusuka ako kasi hindi ko gusto kung nasaan ako nung oras na yon. chemical imbalance? "lack of sex?" -v . hindi ko alam hehe... kamot ulo lang. tapos sabi ko akala ko kabatch ni julie si pernell, hindi nga pala. "friendly kasi siya". so.. narealize ko buong buhay ko hindi pala ako friendly. as much as i wanted to be good, nice, kind.. etc.. yun ang kulang ko. ayaw ko masyado sa tao haha... ganun pala ako. hindi sanay sa atensyon. wtf, pakiramdam ko i was born in the warring times. yung parang walang pakialamanan. ang hirap tumawa sa mga jokes ng iba.. madalas pilit.. eh talagang masyadong mababaw.. o baka masyado lang akong manhid. nahirapan din akong magkaron ng interes sa mga bagay bagay. kunwari may papakita ka sa akin na ... dapat nakakagulat o napakaganda.. hindi ako yung "huwaw! shit anlupet!"... iisipin ko muna... bakit ko gagawin yon.. parang ganon. wirdo. nakakatuwa si eli sa mga reaksyon niya.. pag ikukumpara ko sarili ko, sa kaniya kitang kita na genuine ang mga sinasabi niya, o kaya kung natutuwa siya o nabibilib sa isang bagay...

so i asked myself... when did i began losing myself?... lolz bakit ako parang bato minsan.
ewan haha.. why the fart should anyone care

Sunday, July 12, 2009

very berry cheesecake

wala nang maisip na title haha kaya yon. starting from now i think i'd like to steer away from the usual.. love related blog posts.. since wala namang bago sa love life.. andaming pinakilala sa akin but.. but i think there's one person na kinikilala ko ngayon.. and i think she's really fine, she's really sweet and highly appreciative, that's something i didn't get with the others.. so depende na lang hehe.

right now i'm still being ripped apart alive by the thought that i'm trying to decide not to go to singapore anymore after trying the interview out.. for the reason that i'd like to stay in rewss to see what our current project can do, if it'll make or break the company by revamping the "old".. kung mag-ok to.. isang malaking "warm feeling" ang makukuha ko as well as may be mauulanan kami ng biyaya.. depende. totoo naman ang mga sabi ni sir, iba yung pakiramdam pag nalead mo yung project tapos maganda ang kinalabasan.. "we" sort of thought we'd give the company a year at least to see what can still happen.. after that then probably it's time to move.. so yun. sabi ko nga e.. ako yung tipo na pagdating sa isang basketball game.. hindi ako kakampi dun sa nananalo.. sa ngayon kasi parang ang tingin ng lahat malapit na mayari ang rewss, pero we'll see.. that's really what motivates me to stay instead of going.. kahit na kung ikukumpara mo yung salary sa SG at dito.. hehe oh well. at parang pangbuhat sa sarili kong bangko.. feel ko tumaas ang pagtingin ko sa sarili ko. self worth lolz. na kahit pinapaypay na sa mukha ko yung pera.. eh hindi ko pa tinanggap.. sabi nga ng iba e.. stupid ako sa ginawa ko. pero sa akin.. i thought i found a reason to work more than just for the pay, kasi kung ganun lang.. we can do that any day.

at this moment, medyo nakatunganga lang ako hehe.. naghihintay kung magrereply "siya".. nakakamiss hehehe. oh well.. violin muna.. habang tulala

Tuesday, June 30, 2009

tarant...ula..

matagal tagal na rin since nagsimula ang lahat, kala namin nagbago na siya pero parang ganun pa rin. member siya ng team namin ngayon, dati kong project lead. ang problema? tinatamad siya. so ano kung tinatamad siya? hindi na siya masyado nagtratrabaho kahit na kaming mga kasama niya naghihingalo na, mas mabuti pa yung OJT nakokonsensya at humihingi ng trabaho. siya kahit nahuli na nila sir jecal at ng iba pang head at tinutulungan namin para hindi mapahamak.. ay sige lang nang sige.. at feel niya nakakatuwa dahil naiisahan niya kami

galing sa plurk:
"first day back in the office. pfft. dami pa rin trabaho"

line graph????? daming trabaho????????? eh library lang naman yun na icocopy paste at imomodify nang kaunti madami na? may 3 days pa siya para don naknam.
di ko lang alam kung pano niya nasisikmurang sabihin ang mga status niya sa sprint..
or yung sasabihin niya bukas.. "sir whole day ko pong itetest yung line graph library ko".

at yung pagiging amnesiac niya sa v35 conf chat namin, na pag kakausapin mo ang sagot e "ha?".. kasi naistorbo mo siya sa "trabaho" niya sa whereisaif.

totoo lang, we don't give a shit kung ganun. nagsusurf din kami pero sa tamang oras naman.. at kung trabaho, trabaho pa rin bago ang lahat. at least wag yung may madadamay sa kalokohan mo. at wag yung matututuro ka at ipagyayabang ang pagkakamali ng iba...

ngayong araw na to, bawat lingon namin sa screen niya panay facebook, plurk, at multiply lang, rinse and repeat.. hindi ko alam na puwede ka na pala magcode ng php sa project namin sa tatlong yon. samantalang kami naghahabol ng trabaho, at maya maya tinatanong ni sir kung kamusta na siya..

Friday, June 5, 2009

plop!

nitong nakaraang mga araw panay work lang inatupag ko, andun pa yung medyo may problema sa team namin at sumasabay pa ang ibang project. andun din yung stress na kelangan bantayan tatlong ojt all for.. rewss may be. pero gusto ko sana talaga makapagfocus sa ginagawa ko dahil halos wala na akong oras sa sarili kong gawain nung nakaraang 2-3 sprints wahehehehehe.

i think it's been more than 2 months now since nagsimula akong magblog about kay muriel. march 30 ata nagsimula ang lahat. all i can say is.. talagang wala e. may be she was just up to it for the fling. medyo nawawalan na rin ako ng gana mainly because we don't communicate.. well enough. siguro masyado akong demanding pero kasi sa text na nga lang kami makakapagusap (dahil ayaw daw niyang tawagan ko siya) tapos ang gulo pa niya. kunwari magtetext siya simula "kain po", tapos dadaldalin ko siya, siguro mga naka2-3 text na ako pero hindi siya magrereply, then kinabukasan na magrereply "mownin". parang ... eh? ano na ba pinaguusapan natin? nawala na hahaha! and then may once nagtext siya sabi niya nagtaxi na daw siya papuntang opis kaso nasiraan so naghihintay siya at mahirap makasakay and maulan nun. so nagtext ako nagiinquire kung ok na siya or what. pero nung hapon na ng sumunod na araw nagtext "kain poh". then sabi ko di siya nagtext naworry ako nun. ang nasabi lang niya ay alam ko naman daw na sobrang pagod na siya at etc. o.o;; so ang last na nangyari e nagtext siya kahapon nang umaga ".,morning po" then wala pa akong reply hanggang ngayon, pakiramdam ko parang group text lang naman yon. template na send to all. so bzzzzz.. kru kru pa.

puntahan ko man sa store nila, paulit ulit lang din nangyayari, konting usap lang, tapos bibili ako ng shirt (rinse and repeat). hindi ko naman siya puwedeng daldalin magdamag dun syempre kasi nagtratrabaho rin siya. parang nasasawa na rin ako sa ganung paulit ulit.

i think, soon, dapat tapusin ko na to. feeling ko kasi masyado nang matagal at wala namang nangyayari. parang wala nang saysay. wala na rin akong nakukuhang maganda at hindi na ako nageenjoy sa ginagawa namin. may be it's time to move on to the next.. on the path to finding the right partner.

Sunday, May 24, 2009

craptastic

wala namang balita talaga. just that siguro sa isang linggo mga twice na lang akong bumibisita sa kanila. (kagagaling ko nga lang din kanina hehehe) naguusap pa rin kami sa text. yun lang naman. parang gusto ko na rin mag-lie low (lay low?) kasi i think hindi naman talaga magwowork out between the two of us e. kaso tuwing iisipin ko yun, saktong sakto darating text message niya. may kabuluhan naman, tulad nung isang araw nagtext siya sabi niya "uy nakapagrequest ako ng off bukas .." kala ko.. bakit ako tetext ni muriel nang ganun? baka may dahilan, so tinext ko yung nasabi din ni km "so ibig sabihin niyan puwede tayong lumabas bukas?".. pero hindi pala lolz! may lakad kasi daw sila ng tita niya, nagpunta silang subic. nung araw na yun (kinabukasan) hindi niya masyado na-enjoy yung lakad nila, i think nagkaproblema pa sila ng tita niya kasi nabadtrip siya nun. pero during yung outing niya e usap pa rin naman kami nang usap.

kanina tinanong ko siya, sakaling magpunta kami (or kung may balak) ng palawan - el nido.. eh kung gusto ba niya sumama. sabi niya: talaga palawan? but no thanks i don't belong to your group ma-oop lang ako. may point siya, pero naisip ko.. sila sarge, jam, erwin, cuencky at km? pano ka ma-oop nun e maya't maya binubully ka wahaha. sabi ko mababait naman sila at makukulit.. pero naiba na yung topic so.. ewan haha.. hindi ko rin alam bakit ko pa siya tinanong ng ganun in the first place.

ayun. at least i think medyo papunta na ako sa "gray area".. hindi na ako yung sobrang patay na patay o obsessed. malay. abangan ang susunod na kabanata.

bukas last day ni thessa, ako ang taya. gastos nanaman wahahuhuhu... ;_ ;
medyo malas tong araw na to. nung sa violin lesson ko, medyo hindi ako ready. yung renewed passport ko napirmahan ng dad ko by mistake. yung partner ko sa badminton nahataw ko sa wrist (at may violet na lumabas).. tapos hm.. well hindi naman malas, nagpunta ako kina muriel na may dalang pringles at softdrinks na de bote.

sleep time.. 10:11pm..

Saturday, May 2, 2009

random

hm.. wala ako masyado masulat recently. naisip ko parang hassle naman kung ikwekwento ko lahat.. kasi araw araw na yata ako bumibisita nung mga nakaraang araw haha... summary na lang siguro ng ilan..

1. nagtext siya one time nung mga hapon about a really good news, she got a "top seller" award tapos masayang masaya siya. sabi ko celebrate namin yun. so pumunta ako, before that bumili muna ako ng greenwich pizza, ang malala nun, paglabas na paglabas ko ng greenwich, watda-ef nakita ko mom ko naglalakad. dali dali akong naglakad pataas, ibang route hahaha.. buti na lang hindi naman napansin. tapos dinala ko kina muriel. masaya siya nun :)

2. nagtext siya nung isang araw, mukhang bored siya at mahina ang benta nila nung araw na yun. so ang ginawa ko nagpunta ako sa kanila, bought 2 shirts. tapos parang weird, dumami yung tao bigla tapos naging busy siya hehe. sa huli pagkatapos makipagkulitan, lumabas muna ako, pagbalik ko sabi ko "dumaan lang akong kfc, tapos sabi nila nanalo daw ako nitong dalawa, sa inyo na lang :D".. habang bitbit ang tig-2 1pc meal + choco mousse + large pepsi. nung gabing yun nagtext text pa kami..

3. ngayong araw tinry ko siyang hindi kausapin o itext. hindi rin ako bumisita.. pero nitong hapon hindi ko natiis. nagtext ako sabi ko "ang boring ng araw ko pag hindi kita nabibisita.. kamusta ka na? anong bago? :)" pero ngayong 9:24pm na wala pang reply..

so.. siguro may improvements konti, hindi ko rin masabi kung development hehe. kasi andun pa rin yung mga problema.. una ay sabi niya kasi may bf siya, friends daw muna kami, sabi lang ni angel medyo shakey sila nung bf niya and i should still stay. then hindi siya chinese. then napilitan kasi siyang magwork nang maaga kaya maaga niyang nahinto yung college. then busy siya madalas kasi maaga siya pumasok tapos sobrang late matapos ang work.. hiya naman akong ayain siya sa day off kasi parang bihira na nga siya magkaron ng pahinga e kukunin ko pa yun..

medyo nalilito ako ngayon totoo lang. medyo clear naman sabi ni muriel actually, na friends naman kami at nasa sa akin naman yung kung itutuloy ko ang mga ginagawa ko. may be ok ako sa kaniya.. medyo ok.. or may be not. ako lang kasi tong makulit na punta nang punta at dala nang dala ng kung anu ano wahahaha... ganun talaga pag medyo inlab..

hay. ayaw ko rin ihinto agad. kasi hindi ko pa siya talaga nakikilala. tsaka sabi nga ni sarge.. enjoy lang muna. wala pa naman e. >.<