Sunday, May 24, 2009

craptastic

wala namang balita talaga. just that siguro sa isang linggo mga twice na lang akong bumibisita sa kanila. (kagagaling ko nga lang din kanina hehehe) naguusap pa rin kami sa text. yun lang naman. parang gusto ko na rin mag-lie low (lay low?) kasi i think hindi naman talaga magwowork out between the two of us e. kaso tuwing iisipin ko yun, saktong sakto darating text message niya. may kabuluhan naman, tulad nung isang araw nagtext siya sabi niya "uy nakapagrequest ako ng off bukas .." kala ko.. bakit ako tetext ni muriel nang ganun? baka may dahilan, so tinext ko yung nasabi din ni km "so ibig sabihin niyan puwede tayong lumabas bukas?".. pero hindi pala lolz! may lakad kasi daw sila ng tita niya, nagpunta silang subic. nung araw na yun (kinabukasan) hindi niya masyado na-enjoy yung lakad nila, i think nagkaproblema pa sila ng tita niya kasi nabadtrip siya nun. pero during yung outing niya e usap pa rin naman kami nang usap.

kanina tinanong ko siya, sakaling magpunta kami (or kung may balak) ng palawan - el nido.. eh kung gusto ba niya sumama. sabi niya: talaga palawan? but no thanks i don't belong to your group ma-oop lang ako. may point siya, pero naisip ko.. sila sarge, jam, erwin, cuencky at km? pano ka ma-oop nun e maya't maya binubully ka wahaha. sabi ko mababait naman sila at makukulit.. pero naiba na yung topic so.. ewan haha.. hindi ko rin alam bakit ko pa siya tinanong ng ganun in the first place.

ayun. at least i think medyo papunta na ako sa "gray area".. hindi na ako yung sobrang patay na patay o obsessed. malay. abangan ang susunod na kabanata.

bukas last day ni thessa, ako ang taya. gastos nanaman wahahuhuhu... ;_ ;
medyo malas tong araw na to. nung sa violin lesson ko, medyo hindi ako ready. yung renewed passport ko napirmahan ng dad ko by mistake. yung partner ko sa badminton nahataw ko sa wrist (at may violet na lumabas).. tapos hm.. well hindi naman malas, nagpunta ako kina muriel na may dalang pringles at softdrinks na de bote.

sleep time.. 10:11pm..

Saturday, May 2, 2009

random

hm.. wala ako masyado masulat recently. naisip ko parang hassle naman kung ikwekwento ko lahat.. kasi araw araw na yata ako bumibisita nung mga nakaraang araw haha... summary na lang siguro ng ilan..

1. nagtext siya one time nung mga hapon about a really good news, she got a "top seller" award tapos masayang masaya siya. sabi ko celebrate namin yun. so pumunta ako, before that bumili muna ako ng greenwich pizza, ang malala nun, paglabas na paglabas ko ng greenwich, watda-ef nakita ko mom ko naglalakad. dali dali akong naglakad pataas, ibang route hahaha.. buti na lang hindi naman napansin. tapos dinala ko kina muriel. masaya siya nun :)

2. nagtext siya nung isang araw, mukhang bored siya at mahina ang benta nila nung araw na yun. so ang ginawa ko nagpunta ako sa kanila, bought 2 shirts. tapos parang weird, dumami yung tao bigla tapos naging busy siya hehe. sa huli pagkatapos makipagkulitan, lumabas muna ako, pagbalik ko sabi ko "dumaan lang akong kfc, tapos sabi nila nanalo daw ako nitong dalawa, sa inyo na lang :D".. habang bitbit ang tig-2 1pc meal + choco mousse + large pepsi. nung gabing yun nagtext text pa kami..

3. ngayong araw tinry ko siyang hindi kausapin o itext. hindi rin ako bumisita.. pero nitong hapon hindi ko natiis. nagtext ako sabi ko "ang boring ng araw ko pag hindi kita nabibisita.. kamusta ka na? anong bago? :)" pero ngayong 9:24pm na wala pang reply..

so.. siguro may improvements konti, hindi ko rin masabi kung development hehe. kasi andun pa rin yung mga problema.. una ay sabi niya kasi may bf siya, friends daw muna kami, sabi lang ni angel medyo shakey sila nung bf niya and i should still stay. then hindi siya chinese. then napilitan kasi siyang magwork nang maaga kaya maaga niyang nahinto yung college. then busy siya madalas kasi maaga siya pumasok tapos sobrang late matapos ang work.. hiya naman akong ayain siya sa day off kasi parang bihira na nga siya magkaron ng pahinga e kukunin ko pa yun..

medyo nalilito ako ngayon totoo lang. medyo clear naman sabi ni muriel actually, na friends naman kami at nasa sa akin naman yung kung itutuloy ko ang mga ginagawa ko. may be ok ako sa kaniya.. medyo ok.. or may be not. ako lang kasi tong makulit na punta nang punta at dala nang dala ng kung anu ano wahahaha... ganun talaga pag medyo inlab..

hay. ayaw ko rin ihinto agad. kasi hindi ko pa siya talaga nakikilala. tsaka sabi nga ni sarge.. enjoy lang muna. wala pa naman e. >.<

Saturday, April 25, 2009

weh

hindi natuloy ang dinner date. kasi yung isang kasama nila na bago, si "may" maaga mag-oout kaya dalawa silang until 9 ang duty. nagsabi ako na sige next time na lang :) tapos bumili ako ng tokyo tokyo na karaage (ampucha ambango pala nun, gusto ko magtry kumain nun minsan) tapos binigay ko kay muriel. nakipagkulitan na lang ako at kuwentuhan.. sinulit ko lang yung konting oras na meron ko dun.. tapos nagpaalam na ako. sabi niya "thanks!" mga 5x tsaka "ingat".. ho well hehe.. kaming mga lalake andami naming ginagawang sacrifice (whew).. next time siguro hehehe..

Friday, April 24, 2009

tamad na itype ulit

nung umaga kasi galing akong sm, tapos nakauwi na ako agad lunch time pa lang. tapos nagmessage ako kay xyperxex sa ym:

xyperxex: o nakabalik ka na agad masta
xyperxex: bilis mo a
ben lee: onga e
ben lee: long story masta
ben lee: pero bumalik kasi ako sa shop
ben lee: :))
ben lee: tapos
ben lee: kwentuhan
ben lee: bumili ng damit
ben lee: tapos tinanong ko
ben lee: "kelan ang next na day off mo?"
ben lee: "ewan, 2 weeks na akong ndi nagdadayoff e.. balang araw.."
ben lee: so rejected x 1
ben lee: tapos kwentuhan ulit konte
ben lee: "naglunch ka na ba?"
xyperxex: :))
ben lee: whil "sige na rose labas ka na"
ben lee: muriel "ikaw kumain ka na ba?"
ben lee: whil "ndi pa yan, gusto nga niya kasama ka e, labas ka na"
ben lee: muriel "ayaw kong lumabas"
ben lee: ben "di, ok lang, busy ata si muriel, balik na lang ako mamaya"
ben lee: tapos
ben lee: badtrip na ako nun
ben lee: kasi rejected x 2 na
xyperxex: hahaha
ben lee: natuturn off na
ben lee: tapos paguwi ko, nagtext na pala
ben lee: "uy snsya na a, nakkhya kasi suot ko kanina, pero tanong ko mamaya kay ate kung puwede akong mag8, mamaya na lang dinner tayo"
ben lee: patay kang bata ka masta
xyperxex: hahahaha
xyperxex: ayun o!
xyperxex: dinner daw masta!
xyperxex: siya pa ang nag-aya!
xyperxex: wuhooo
ben lee: onga e!
ben lee: "dun na lang diner tau, ok lang ba?"
xyperxex: edi bigla kang nabuhayan ng dugo mastah?
xyperxex: saan kayo dinner?
ben lee: uhm...
ben lee: yun nga e
ben lee: =))
ben lee: hindi ko nanaman alam
ben lee: walangjo
xyperxex: :))
ben lee: kung hindi, sa simple lang
ben lee: kung 8pm may mga bukas pa naman
ben lee: sa sm
xyperxex: oo naman
xyperxex: aga pa yun joood!
ben lee: kung hindi siya na lang papiliin ko
ben lee:
ben lee: pero dued
ben lee: lam mo
xyperxex: ayus o! siya pa ang nag-aya ng dinner. at least mas matagal yun kesa kung lumabas lang kayo kanina para sa lunch
ben lee: as in badtrip na ako paguwi
ben lee: naghubad na ako at lahat
ben lee: nag 120 reps nung bakal na spring
ben lee: ndi naglunch
ben lee: tapos umaasa na may magtetext... tapos watda .. meron nga x.x

so yan.. eto ako ngayon hindi ko sigurado ano ang gagawin, nagmememorize na ng mga puwedeng itanong mamaya. crap.. talk about impromptu, mahilig kasi magdare, yan tuloy.. walang plano. tulog muna ako konte.. tapos mamya ayos ng damit.. then go in for the kill

Thursday, April 23, 2009

hmm..

since i last argued with my parents about muriel. this aching shit in my chest acted up again, courtesy of my ex. yun yung pakiramdam na masakit yung sa dibdib, mabigat na parang mahirap huminga. parehas nung kay jameni. i'm not sure why i had to have that again but oh well..

yung last na nangyari ay nung nagpunta ako sa shop nila. tumambay, tumulong atbp.. tapos saktong nasira phone niya, nagoffer naman akong ipaayos sa kuya ko, tapos niregaluhan ko siya ng phone .. yung simple lang.. para may magamit siya. (long story). tapos yun.. monday yata yun. so ang usual na text niya ay.. kung kamusta na yung phone. medyo parang nabawasan yung hilig ko sa kaniya dahil dun, di ko alam kung bakit.. ewan ko ba.. so mula nun hindi pa ako bumabalik.. kanina lang ulit kasi ang bigat talaga ng puso ko.. siguro nalulungkot din kasi akong ibalita na hindi maayos yung phone niya.. so pagdating sa sm, naisip ko tutal medyo badtrip ako buong araw at mabigat ang dibdib, itotodo ko na. as in babalita ko sa kaniya tapos tingin ko mababadtrip siya tapos sasablay ako sa pagbisita ko atbp. pero bago nun, naghanda ako ng buffer. bumili ako ng lasagna supreme sa greenwhich. sobrang tagal dumating nung order, as in kahit ako ginutom na hahaha. pero yun.. dinala ko dun tapos nakita ko siya..

yung hitsura niya ay yung parang "halaaaa naku yan nanaman si ben may bitbit nanaman na kung ano" na nakangiti hehehe. tapos nandyan na rin si whil (wala siya last week nasa ibang branch) pero wala naman si angel. kwentuhan konti tapos iniabot ko yun food, same way as before yung reaction niya. tapos natuwa siya sabi niya nandyan na din daw yung VIP card ko. sabi ko kung puwede pahingi ng autograph niya.. nang pabiro. sabi ko tumakas lang ako mula sa opis para bisitahin siya. tapos ganun siya ulit yung parang ndi mapakaling lalakad palayo sabay "ikaw a hahampasin kita nito e :)" (sabay hawak sa isa sa mga damit na naka-display). napansin ni whilma yung damit ko, sabi niya cute daw sa akin (yung may casette tapes), at meron daw 50% off sa san lazaro branch nila, sabi ko "50% off dun.. kaso meron bang muriel sa san lazaro?" :P

tapos nun, sinabi ko kay muriel about sa phone niya, good thing hindi naman nabadtrip, siguro may lungkot pero.. yun. tapos nagpaalam na ako. sabi niya "ingat... sila sayo :P babay. thank you. :)"

you know what.. feel ko as if.. hindi na ako ganun ka-head-over-heels (tama ba?) in love .. hindi na kabado, parang sanay na. i'm not sure if that's good? o senyales ba to na tulad ng sabi ni cuencs e narerealize ko na infatuated lang ako nung una?

then when i got home.. the heavy pain/feeling in my chest was... just gone... o.o

Friday, April 17, 2009

suicide mission

1am.. she texted me sabi niya.. sorry kung ano mga balak kong gawin e tigilan ko na raw and that she wasn't the right girl for me and that may iba pang mas deserving. nung nabasa ko yun nung umaga... halos ready na ako para maging badtrip.. pero naisip ko.. not again, not this time, hindi ako kumbinsidong sa text lang siya magsasabi ng ganun sa akin. pinrangka niya ako sa text, kaya ba niya akong prangkahin sa personal.. naghalf day ako sa work kasi bothered ako and i really wanted to get things off of my chest. dumeretso ako ulit sa sm, nakarating mga 3pm halos, hinto muna sa 2nd floor para huminga at bumuwelo.. kasi kabadong kabado ako tsaka pawis pawis kasi mainit sobra ngayon hehe..

hinga ng isang malalim, sabay baba.. she was there.. smiling.. i looked her straight in the eye.. pakiramdam ko as if ok yun na dumating ako at dahil may gusto siyang ipaliwanag. so nilapitan ko siya.. nagusap kami. nagtawanan. kulitan konti.
i told her naghalf day ako kasi nabother ako and wanted her to tell it to my face.. if i should move on. sabi ko rin na , siguro, totoo ang sabi niya na may ibang mas deserving pero siya ang gusto ko talaga dahil iba siya sa mga "deserving" na yun. na ang totoo marami sa lugar namin (makati) pero mas pipiliin kong magpunta araw araw sa kanila (shop nila) dahil siya ang pinili ko. naglakas loob na akong nagsabing gusto ko siya hay... ben.. wtf. *um*! anyway. nandun pa yung umalis muna ako tapos binilhan ko siya ng paborito niya... chicharon, yung mainit init pa, tsaka softdrinks. tapos sinamahan ko siya sa shop at dinamayan nang mabadtrip siya kasi may isang luku-lukong customer na lolo na mayabang at bastos.

it seems may isa pang nanliligaw sa kaniya and hindi niya masabi yun dati sa akin kasi nahihiya siya.. alvin din daw ang pangalan (she gave me a nickname "vin" nung last dinner) kabarkada niya. tapos tinanong ko rin kung ano ba yung mga hindi ok sa akin, lightly and pabiro niya namang sinabi na minsan OA ako (which is true) tsaka mahilig ako maginarte pero ok naman daw ako. i asked her din na kung gusto niya tumigil ako to give the other guy a chance. pero ang answer niya was more like.. gusto niya kaming maging magkaibigan and she's not closing the doors yet.

kahit na sakit na sakit na paa ko, kabadong kabado at dugung dugo na ang puso .. tinry ko pa magstay at makipagkulitan, pati yung parang checker nila ng supplies kinulit ko, pero sabi ko at one point iooffer ko sana na samahan siya pauwi pero i know.. sobra na ako. so nagpaalam na ako, and even shook her hand.. dahil wala lang lol! random. sabi ni angel magpamiss daw ako.. or something.. and gusto ni angel na sana ako na lang para sa kaniya and hindi siya boto dun sa other alvin. tsaka laban lang daw ako. kakausapin daw niya si muriel.. something like that.

hanggang ngayon.. buntong hininga lang ako nang buntong hininga (watda). right now medyo admit ko na i sort of ... lost. perhaps magtetext ulit si muriel mamaya para totally i-seal off na ang lahat.. well i dunow. i'm the king of assumptions hehehe.. at pagdradrama. iniisip ko rin na what if tuloy lang ako at in the end naging kami nga.. handa ba ako sa mga mangyayari? given na isang hurdle ko e chinese ako? atbp.. ewan.. ayaw ko pa rin isara ang pagkakataon na kung maging kami.. pero hindi ko rin sinasara ang pinto sa ibang pagkakataon. sabi nila maraming pang ibang babae .. wadafart.. i duno.. *buntong hininga*

the end? may be. pero masayang masaya na ako. umabot pa ako sa ganito hehe. at least i know i tried tapos lumampas lampas pa ako sa inaasahan ko. i stretched my limits. may be i crashed and burned. but next time i'll be tougher and even better. sabi nga ni vetz. charge it to experience na lang :)

Saturday, April 11, 2009

first dinner out :)

last night didn't really turn out to be quite that perfect evening, alone hehe.
there were 4 of us, kasama namin si angel and si whil (not wil pala..).

a lot of things happened last night.. we got home at around 1am. but i think i'd like to sum things up with stuffs only about muriel :)

i learned a lot of things about muriel last night. nickname niya pala "yhew" (pronounced like ye-oh). but other than things like that, i didn't expect that i'd see her values as a person ba.. which is something that really impressed me a lot. one is that marami siyang admirers pero ndi siya malandi, she's very professional laluna sa work niya. tapos may time na one of her companions was being unreasonable and she took charge of the situation kasi parang nahihiya na siya sa akin. hindi siya talaga basta basta and pag may times na kunwari ndi pa dumadating yung order siya yung lalapit para magreklamo, parang leader type ba, can't really put it into words.
tapos sakto kasi kahapon may incident kung saan yung katabi nilang shop inaakusahan sila na kanila daw galing ang isang fake money, she stood up for the shop, and in the end kahit na wala silang fault (her shop as a whole) naawa pa siya dun sa girl na nagblame sa kanila at nakipagayusan pa siya dun since close naman sila and she believes nabigla lang yung girl.

marami pang iba but i think ang pinakaimportante sa lahat is that she could see the shit through all the shiny things. (partly taken from the fast and the furious.. wahehehe)

all in all, i think last night's stuff didn't really become a romantic event since there were 4 of us, pero marami akong natutunan kay muriel at sa kanila. i think i liked her more and really honestly nabitin ako and may be i'd like to ask her out again sometime.. yung kami lang hehehe :P and see how things would really go from there.