Friday, February 12, 2010

success! sort of ... ahahaha

disclaimer: ito ay corny. at kung tingin mo ay corny, wag mo basahin at wag nang pagtangkaang masamain. ito ay hindi bagay basahin ng mga chickboy lolz.

dapat half day ako hehe. pero tama sabi ni erwin, may meeting nung 1pm na may kinalaman sa deployment.. so nagstay muna ako.. e di naudlot.. 1:30pm natapos then ayos ayos konte. umalis na ako, nagtaxi papunta sa school nila. grabe ang init tsaka trapik. medyo nahilo ako.. halos masuka pero tiis lang. ang nakakatawa dun... bumaba ako agad sa tapat nung parang volleyball court nila. nagstay sa ministop.. 3pm pa lang yon.. watda.. iniisip ko tatambay na lang ako dun ng 2 hours lolz! sobrang nagstand out ako sa usual na crowd doon.. hindi dahil bata sila, ang totoo nun nagblend ako wahaha.. pero siguro dahil chinese at kaputian.. bumili lang ako ng isang fit n right na apple.. tamang tama lang nagtanong ako kay thessa.. at papasok din pala siya. ayun nagkita kami at nagkakwentuhan sa may starbucks dun. tapos nung 5pm na.. sinamahan niya ako dun sa meeting place. "fountain". kaso may tatlong fountain sa school na yon.. sadya pala ni aims na sabihin yun >.< .. nung tinanong ko.. sabi niya dun daw sa may arch.. pagdating ko sa arch, katabi ng arch ang dalawang fountain lolz...

tapos intay lang ng konti.. pakiramdam ko nakainom ako ng sobrang tapang na kape sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. para mawala yun kahit papano.. kunwari nagpipicture ako ng kung anu ano sa paligid. then dumating na siya.

ang ineexpect ko.. may kasama siya, kasi yun yung sabi niya.. kasama niya "mga friends" niya.. tsaka baka mataray at mahirap kausapin..

walang tanong tanong, tinuro niya ako nang nakangiti at gulat ko.. parang antagal na kaming magkakilala.. hindi siya yung mahiyain.. ako pa nga yung tinanong niya kung shy daw ako.. sabi ko sa kaniya ikaw hindi ka mukhang shy e, patingin nga ng pulso mo. sabi niya... bakit.. ano naman scientific explanation kung ano kinalaman ng pulso sa pagiging shy. sabi ko.. ako kasi.. depende sa kasama ko nagiging shy ako.. at kung ichecheck niya pulso ko.. sobrang bilis ..

i don't know kung nag make ng sense yun pero masaya naman siya =,= toink..

tapos nung sabi niya upo daw muna kami, tapos kwento kwento.. kala niya talaga food yung nasa box ng roses.. kasi mukha siyang mahabang cake hehehe.. pero sabi ko roses yun.. and after giving it binati ko "happy valentines".. and i hope di kami magkailangan. sabi niya that's ok.. and hindi nagbago ang pagiging friendly attitude niya. i asked her to open it up.. pero sabi niya ayaw daw niya makita ko reaction niya xD tska.. ok sa kaniya na nasa box yun.. ayaw niya kasi ng bulgar.. o cheesy hahaha

malamok sa inupuan namin.. kahit na maliwanag pa. kaya sabi ko lakad lakad muna kami, nadaan kami dun sa bagong ayos na parang mini-park sa harap ng library.. tinanong ko siya kung free ba siya after nun, sabi niya may dinner sila ng ate niya.. sabi ko sige.. kung ok lang ba samahan ko siya pauwi.. yun naglakad kami at nagkwentuhan.. hanggang umabot kami sa tapat ng school.. tapos anlapit lang pala.. after that sabi niya bye.. ingat.. i called her and asked kung puwede ko ba siyang mayaya minsan lumabas.

sabi niya, ok lang.. basta free sched niya. xD

3 comments:

Renan said...

FTMFW! yan! go go go tama, wag nang paligoy-ligoy!

bentam said...

nyahaha! :D

Unknown said...

wow ngaun ko lng to nabasa wehehehe. ayus