tinnitus.. parang pinaghalong tiny at anus hahaha.. i don't think babalik pa ako kay doc para sa problem ko sa left ear.. di sa nagmamarunong ako.. pero sa mga nabasa ko.. eto na talaga yung problema ng left ear ko. ano nga ba yun? sa ngayon wala na yung "ibang tono" na naririnig kapag may sound akong naririnig. nagkaron na lang ng isang mataas na tono na sound.. yung gaya nung maririnig mo kapag nasa isa kang lugar na sobrang tahimik.. yes yung high pitched tone na yun.. nga lang.. sa akin mas malakas. malakas, pero di naman ako bingi haha
bakit nagkaganon?
simula ko tong naintindihan... naririnig ko lang yun tuwing pagkatapos ko magpagod.., maging excited..., maging nerbyos.. naririnig ko rin to lagi pagkatapos makinig sa earphones nang sobrang tagal. meron din pagkatapos kong magpraktis ng byolin nang sobrang tagal.. siguro dahil direkta yung tinutugtog ko sa kaliwang tenga..
nangyari to dahil may nerve daw na naging mas sensitive sa left ear ko... ang posibleng cause nun ay stress, depression (?), sobrang tagal na naka-in-ear na headphone, pag inom ng kape o ano mang gamot na nakakapabuhay ng ugat lol.. ngayon ewan ko kung nakatulong yung gamot na pinainom sa akin ni doc, ang weirdo dun kasi sa isang gamot, yung nicotinic acid.. nakaka-fluster yun. as in mararamdaman mo parang binabanat lahat ng ugat sa katawan mo simula sa mukha tsaka mahihirapang huminga nang saglit, parang nakainom. e bakit niya ako pinainom nun kung yun naman ang magpapalala sa tenga ko.. ang sagot.. ewan hehehe. siguro naalis nung gamot na yun yung "ibang tono".. nga lang may natirang iba pang tunog..
di ko sigurado kung normal yung tunog na yun.. tingin ko mas naging matalas ang pandinig ko haha.. nakatulong pa yata yung tunog na yun.
pero mula ngayon mas kelangan ko na umiwas sa kape.. at coke. pati na ang stress.. hay stress. di nawawala niyan sa opis.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment