Friday, March 12, 2010

hay

i'm thinking of closing down this blog.
nandun sa description nakasulat "cause chaos to my friends". although joke lang yon, it seems to have been very successful with what it implied.
ito ang outlet ng nararamdaman ko, wala ng iba. pero syempre ang dating nito sa iba, e backstab. paninira, sana kung hindi totoo ang mga nakasulat dito... e di puwede ka naman magcomment, may link dito sa baba.
i hate how you'll look like the bad person pag ikaw ang nagblog. syempre makiki-sympathize yung mga kaibigan nung tinamaan... if only they knew the TRUTH... they'd probably do the same thing. gaya ng point na napagusapan kanina sa meeting namin ni paul at ni sir rick, kung sana nandun ka lang din, tsaka mo lang majujudge talaga kung sino ba talaga ang tama at mali.

i'm shutting this down. i'll still be blogging, pero dun na sa kung saan walang nakakaalam. kainis kasi may umeextra at gumagawa ng kwento. kelangan ko ng labasan ng sama ng loob :) di ko na maaalis yon.

i've done a lot of mistakes, hindi ako perfect. kung ako ang pinapatamaan sa comments, i'd wish na kung may guts sila na kausapin ako, magusap na lang kami nang direkta. kung ako ang nagkamali ako pa magsosorry at luluhod sa harap nila. halikan ko pa paa nila kung gusto nila hehehe.

anyway, goodbye po. this ends "chugoink"

Wednesday, March 10, 2010

and a stranger came in..

slowly.. i'm trying to forget all the bad things that ever happened for the past years, lahat sila naging daan para maging.. kung ano na ako ngayon hehe. yung nakaraang taon ang pinaka-challenging na taon na dinanas ko so far.. siguro.. marami mga failures.. pero isipin ko ano nga ba mga ang mga magagandang nangyari... marami hehe.. ewan ko ba.. may mga gusto akong ilagay dito.. pero siguradong may mga bagay na mas mabuti pang .. sa akin na lang.

so here i am, i think i got older even if i don't really feel like it. i've already lived this long but still unable to reach "that" goal.. sa iba shallow lang yun syempre.. sa akin, it's a "need"..

last time i've decided to finally end what i tried to start last feb 12.. ang kulang na lang for me to forget about her.. was my camera. i already sent aims' sister a message so i can get it back, she said we'd meet this friday. then that's it.. to further sign and seal the end of the ordeal.. cinonfess ko sa ate niya that i like aims but wasn't doing really well.. talk about adding insult to injury.. what's the better line for it.. to put the last nail in the coffin..

ewan.. partly, i'm still hoping .. baka sakaling puwede pa rin. pero para siguro hindi lang masaktan lalo.. kasi parang rejection na din.. mas gusto kong isipin syempre na ako na ang nagmomove on :P

we're all tough in the outside, but soft in the ... innards (lol)


anyway.. wala na masulat haha.. next time na lang siguro ulit..

happy birthday hahahaha!

Sunday, March 7, 2010

stupid fuck

so yun, after a little drama.. natawagan ko siya. nung una medyo naiinis ako. tapos unang tawag binaba.. nung naging kalmado na ako, tinawagan ko ulit (although ineexpect ko hindi naman niya sasagutin)... pero watda sinagot niya rin. tapos yun:

ben: "hello?"
aims: "hello? (ginaya yung mababang tono)
ben: "*watda* wahahaha! aims?"

so nakausap ko siya.. ayun pala. all along i realize, ayaw niya ng ganun. probably may mga messages ako na nagpa-ilang sa kaniya. i was stupid.. sabi niya ayaw niya lang ng ganun. i said sorry.. and asked kung galit pa rin ba siya sa akin, sabi niya hindi, at makulit ako.. "kuya" pa rin ang tawag niya sa akin. so.. wala. nagblank utak ko hahaha. kasi pumasok yung scenario na hindi ko inaasahan. sabi ko nakalimutan ko na lahat ng sasabihin ko. sabi niya, o sige.. kakain pa lang siya kakabalik lang kasi niya from tarlac.

i guess we're alright now. except that.. we'll if i am truly still gonna be going for her. i need to take things really slow now.. sumobrang bilis ko. kilalanin ko muna siya. at the same time, wag ako sobrang focused sa kaniya. sabi nga ni mhars, konting pakipot hehe.

so i put a stat sa facebook. imagine.. kanina sobrang init ng ulo ko. if i hadn't followed don's advice, iba na siguro ang scenario:
1. tatawag ako
2. i'll confess head on
3. pag hindi niya sinagot, dedelete ko lahat na ng comments ko sa kaniya
4. delete friend

yung hot-headed na steps na yan.. sobrang immature at stupid. mas malala pa sa suicide. sobrang tinawanan ko sarili ko.. ganun na lang..

there's just so much good you can do when you're calm

i learned a lot today..

the lord giveth, and he taketh away..

Saturday, March 6, 2010

ang kalsada

grabe.. pagkatapos makapanood ng pangalawang post-apocalyptic movie (yun ba tawag don?).. parang gusto ko lang magpasalamat na buhay pa ako. masaya ako na buhay pa ako hahaha... kanina nanood naman ako ng "the road".. simple lang ang storya.. nakakaantok. pero natuwa ako sa part nung nakakita sila ng isang underground na puro pagkain.. parang... ampowta.. PAGKAIN!! WOOHOO!! JACKPOT!..

la lang.. napaisip ako.. pano kung bukas patay na ako, o kaya parents ko o kaibigan o kapatid.. bilis lang ng buhay..

so yun.. nung naglalakad lakad ako sa mall.. nakangiti lang ako lol. di ko alam bakit ako parang "masaya" haha.. yun yung before nung movie.. ewan. sabog hahaha.

Friday, March 5, 2010

hohum

so good morning.

she didn't get online last night. too bad, i waited for nothing haha.
even if mhars told me, that i already know what the result is, may be i just don't want to give up,
i think i may be getting tired of chasing after them, tired of getting rejected or failing hehe.
i dunow, may be i'll just take a break from that already. kakasawa na din. ako pa naman mabilis magsawa. so i checked out cosplay.ph, and made me realize how stupid i am, i can't go without a cam lol..

so where's the cam?

nevermind haha... may event sana mamaya pero wag na lang... sa 3/27 na lang. may be i'll take it back by that time.

iono, try ako siguro for the last time.

whoopdeedoo, sa May may violin play kaming mga students sa may UST.. how ironic, sa school pa nila.. what we'll play, i dunow yet, canon in D, and then kami na daw bahala.. hehehe. as if. sa ngayon ang natutugtog ko na... HAHA.. at least hindi na twinkle twinkle... LP new divide na whew...
praktis praktis, karirin ko na to. and make 4kphp per hour (joke).

oddball

it's funny. we were playing with pencils.. doing some weird.. wrestling or something.. we had our pencils on our hands, pushing. what looked like 2 swords pressing against each other, then one of them broke.. the unbroken pencil pushed straight with its lead.. piercing the skin near the left side of my nose.. leaving a black mark. we were grade school students back then.

now the mark is gone. things are different. she now has a baby.. her husband, who looked like my cousin.. nah, not really my cousin, but the son of a really close friend of my mom. she's happy.

kakalungkot somewhat haha. tumatanda na tayo. lahat na ng mga kakilala ko kinakasal na. yet i'm still somewhat alone lol. it might be stupid pero siguro yun na isa kong naging ... disturbing? cumbersome, irritating ... goal at the moment haha. to hopefully find that perfect someone.

so i make a fool out of myself.. searching for that someone, sacrificing.. and stuff. people laugh at you.. and things .. but you just want to prove to yourself that even if you're going to fail, at least give it all you've got until you really do. and even if people think it's wrong, what IS wrong anyway... i'll still try anyway.

where's the fun in life if you keep doing things right? who said that was right anyway.. if it came from someone... aren't you trying to live his life? trying to live how he/she did? since it's "tried and tested", "proven to be right".. doesn't that mean that somebody has done it that way already?..

ah man.. my head. hahahaha. makalaro na nga lang muna ehehehehe

Thursday, March 4, 2010

sweet success

that felt really good.. it was nothing big. pero nagkaron kasi ng bug dun sa deployed live graphs.. at first we couldn't figure it out. kasi gumagana sa ibang pages pero may dalawa lang na hindi.. tapos usap kami ni eli, then nalaman namin ang fix. HAYUN! woot! gumana... wala lang.. hahaha. i know i've been pretty unlucky lately laluna sa pagibig, this one's a sight for sore eyes hahaha.. the simple joys

Friday, February 26, 2010

cancer

now i know ano pakiramdam ng isang tao... pag nalaman niyang may cancer siya.. lolz. the doc said hindi naman ganun sa akin haha. hindi naman cancer. kelangan lang ng gamot kasi may sugat hehehe. talk about dying in a million ways. minsan tuloy i can't help but think may be the creator wants us dead... what with many ways to kill us.. kung di ka magkaka-AIDS, mamamatay ka sa cancer, kung healthy ka naman.. mababalian ka o magkaka-slipped disc.. kundi maaccidente ka gaya ng masasagasan. kung nasa building ka naman puwedeng magcrash ang eroplano sa inyo...

so yun, nakakalungkot yung gagawin sa akin... sana lang hindi na mangyari sa iba haha. badtrip sobra. parang pakiramdam ng isang may cancer. maiinis ka sa mga tao sa paligid, inaalala nila mga petty na bagay gaya ng hindi sila matutuloy sa isang lakad, hindi nila nabili ang isang bagay... etc.. samantalang ikaw nagaalala ka kung pano mo gusto mabuhay bukas... kasi may ilang araw ka na lang. drama no? hahahaha!

kanina tinry ko ring bisitahin si aims.. para siguro humanap ng konting lakas.. ayun may pinahiram muna ako. kasama niya bespren niya... so usap usap kami, kaso nadaanan namin ang crush ni aims. haha too bad for me. syempre all the time game ako dun, ngiti lang, tawa din. pero sa loob duruuuuuug na durooooog syempre, andun yung gusto mong ikumpara sarili mo haha. physically talo ako, too bad medyo may katangkaran ang crush ni aims, di maputi, katamtaman ang build.. volleyball player. ayun.. 'katapos non sabi niya gusto niyang umuwi nang hiwalay sa amin (sa amin nung bespren niya).. parang complete turn down u.u .. hahahaha how sad. why do i even bother? kasi i don't want to give up yet hehehe. may be may 1 time na lang na uulitin ko yun, and it's to finally ask kung may chance ba o wala. after that kung wala, time to move on :) wag na pilitin haha. meanwhile i'll learn all i can..... learn all i can...

Saturday, February 20, 2010

tinnitus

tinnitus.. parang pinaghalong tiny at anus hahaha.. i don't think babalik pa ako kay doc para sa problem ko sa left ear.. di sa nagmamarunong ako.. pero sa mga nabasa ko.. eto na talaga yung problema ng left ear ko. ano nga ba yun? sa ngayon wala na yung "ibang tono" na naririnig kapag may sound akong naririnig. nagkaron na lang ng isang mataas na tono na sound.. yung gaya nung maririnig mo kapag nasa isa kang lugar na sobrang tahimik.. yes yung high pitched tone na yun.. nga lang.. sa akin mas malakas. malakas, pero di naman ako bingi haha

bakit nagkaganon?

simula ko tong naintindihan... naririnig ko lang yun tuwing pagkatapos ko magpagod.., maging excited..., maging nerbyos.. naririnig ko rin to lagi pagkatapos makinig sa earphones nang sobrang tagal. meron din pagkatapos kong magpraktis ng byolin nang sobrang tagal.. siguro dahil direkta yung tinutugtog ko sa kaliwang tenga..

nangyari to dahil may nerve daw na naging mas sensitive sa left ear ko... ang posibleng cause nun ay stress, depression (?), sobrang tagal na naka-in-ear na headphone, pag inom ng kape o ano mang gamot na nakakapabuhay ng ugat lol.. ngayon ewan ko kung nakatulong yung gamot na pinainom sa akin ni doc, ang weirdo dun kasi sa isang gamot, yung nicotinic acid.. nakaka-fluster yun. as in mararamdaman mo parang binabanat lahat ng ugat sa katawan mo simula sa mukha tsaka mahihirapang huminga nang saglit, parang nakainom. e bakit niya ako pinainom nun kung yun naman ang magpapalala sa tenga ko.. ang sagot.. ewan hehehe. siguro naalis nung gamot na yun yung "ibang tono".. nga lang may natirang iba pang tunog..

di ko sigurado kung normal yung tunog na yun.. tingin ko mas naging matalas ang pandinig ko haha.. nakatulong pa yata yung tunog na yun.

pero mula ngayon mas kelangan ko na umiwas sa kape.. at coke. pati na ang stress.. hay stress. di nawawala niyan sa opis.

Friday, February 19, 2010

hidoi desu you ne...

aims: "wag nlng. wala ko time mglakwacha. and that's FINAL!:)
hahaha. ok, that is like one big "KEBER"!hahaha hulaan mo kuya anu yon!!! muka nga kong mas mtanda sayo e, para lng kitang nkababatang pinsan.hahaha
lusaw na!hahhajoke, lanta na. hehe expected naman yan e."
 
neb: "aw.. sowi.. tagal na yung message na yan .. xD nagmukha tuloy akong makulit hahaha!
keber - pakialam. according kay pareng google.. as in "walang keber" - walang pakialam. tama ba yun? hehehe
aw nalanta na ba yung flowers.. :( sadness.. dapat yata nilagay ko muna sa cooler hehee. jk jk..
aims.. honestly.. nakukulitan ka na ba sa akin? :( sobra na ba ako? sowi.. i didn't mean to be like that. you can tell me off.. and i'll shut up =__="
 
aims: "xmpre nalanta na, 1week na e.
oo kulit mo!hahaha "
 
 
neb: "ahaha. patawad aims. and thanks.. ^^, "
 
 
 
 
 
 
*after 3 minutes na maluhaluha lol*
 
 
aims: "hahaha JOKE! tntngnan ko lng reaction mo.hahaha "
 
 
 
 
WAAAAAAAAAAAAAAAAAAA *_________*

Thursday, February 18, 2010

splitfifty

sdrawkcab tihs siht daer ot gniyrt enasni eb tsum uoy

yeah.. bakit mo binasa yung nasa taas? dahil marami kang oras? dahil ginagawa mo rin yan minsan? dahil tingin mo may tinatago ako? o dahil wala lang hehe.

bakit ko natanong. wala lang haha. lahat ba ng nangyayari sa mundo may rason? kung meron, handa ka bang tanggapin kung bakit? ewan. random. sabog. may tama.

badtrip buong araw, kaya paguwi naglakad ako sa mahabang ruta. dadaan ng greenbelt 5. pero pagbalik sa bahay.. tsaka ko lang napansin, may text si aims.

!!!!!

mga 2 exchanges, then siningit ko na kung kelan siya free at baka gusto niya magstarbs, pero libre niya. sabi niya ".. di ba sabi ko nga wala akong free time haha.." man, shot-down? hard to get? i don't know haha, basta tinry ko lang ipagpatuloy ang usapan pero nagstop na siya. baka la na load, o nainis na haha. lahat ata naiinis na sa ginagawa ko. napaisip tuloy ako sa status dati ni hazeline d. furing. something along... be yourself, at kung di ka matanggap ng ibang tao, pabayaan mo sila. it's hard trying to pretend what you're not.. the way i see it with people around us. act what you preach. yeah.. impossible yun kasi di tayo perfect.. but at least do your best lkjsdfsadf.;

i think i've just finally been showing the real me nowadays, ang palaban na bata. ever since yung incident kina sarge. have i backstabbed? naisip ko yon.. siguro di sadya. meron minsan dito sa blog, pero blog ko to e haha.. bakit hinde? then one time yung kay marable, e yun naman kaibigan ko na siya college pa lang e bakit hinde? if i was lying then siguro mas masaklap yon. ewan ko ba. di naman ako ganun.. o baka nga mas masama pa ako sa ganun. i scare myself sometimes. what's the fine line between what's right and wrong? when people just merely want to stand for what shit they've blurted out from the start, even if they are guilty of it.

if they can't accept the real me, then may be all they deserve was the fake. can you read between the sad or happy faces?

ano man nasabi ko sa taas na weird, yaan mo na haha. just writing whatever's coming from my mind.


edit:
just now nagreply ulit si aims. may be this would work out or not. i'll just see what happens ahahaha.

Wednesday, February 17, 2010

i'm still alive - vedder

i'm still alive hehe.

since friday i've got no contacts from her. as much as possible nagparamdam ako at most once per day.. then skipped one day.. then today i think i'm gonna skip again. i don't know. ang galing.. kahit na coincidence lang. she definitely know how to make the "want" stronger. i wonder where she is now or what she's doing.. baka namimiss ko siya.. or just didn't get enough. dami kong hindi natanong, gustong malaman. kaso baka busy.. mahilig kasi magaral yun. yun ang kinatuwa ko sa kaniya, focused.



"what happened after?.."



is what bothers me, i don't know if it was really ok or not.. that kind of feeling



she hasn't done anything new sa fb since friday.. definitely absorbed in something else hehe

i think i'll just pass the time. hanap ng ibang magagawa. improve myself.

eli/erwin/perns pulled a prank on me bago maguwian haha. i half-wished it was true. nung sa chat at nagsalita na, iniintay ko na lang na matapos, kaso napaisip na ako nung may "pakyu pakyu" na lumabas haha.. isa lang naman sa opis nagsasabi nun. nice one guys hahahaha. medyo uminit na dugu ko nun at bumubuwelo na ako bwehehe. humahalakhak na nga ako sa loob nung sabing umiiyak ata siya. ganun siguro ako kasama talaga.

Friday, February 12, 2010

life's great! :D

haha.. masarap magfocus sa ibang bagay besides sa mga problema sa mga ka-opis. yun lang.. kakabukas ko lang ng FB tapos sobrang tuwa ko nung may isang madiin na red na may "1" sa may upper left sa messages part banda... si aims xD

nung huling message ko kasi, tinanong ko kung anong favorite color niya. eh kagabi lang siya nakareply.. at ang sabi niya:

"RED!:))) and i sOooo like the color of the roses. SALAMAT KUYA!
1st time ko mkareceive ng flowers na naappreciate ko at ndi ko itatapon.hahaha!:D"

ang sad part lang ay, naging hobby na niya ang tawagin akong "kuya" =,= hahaha.. sabi niya kasi ever since gusto niya talaga magkaron ng kuya. sabi ko din sana change niya na lang pangalan ko wag lang "kuya" pero.. oh well haha..

kakabasa ko lang nung message niya ngayong umaga 6am. pero buo na agad araw ko. goodnight na ulit hahaha |-)

success! sort of ... ahahaha

disclaimer: ito ay corny. at kung tingin mo ay corny, wag mo basahin at wag nang pagtangkaang masamain. ito ay hindi bagay basahin ng mga chickboy lolz.

dapat half day ako hehe. pero tama sabi ni erwin, may meeting nung 1pm na may kinalaman sa deployment.. so nagstay muna ako.. e di naudlot.. 1:30pm natapos then ayos ayos konte. umalis na ako, nagtaxi papunta sa school nila. grabe ang init tsaka trapik. medyo nahilo ako.. halos masuka pero tiis lang. ang nakakatawa dun... bumaba ako agad sa tapat nung parang volleyball court nila. nagstay sa ministop.. 3pm pa lang yon.. watda.. iniisip ko tatambay na lang ako dun ng 2 hours lolz! sobrang nagstand out ako sa usual na crowd doon.. hindi dahil bata sila, ang totoo nun nagblend ako wahaha.. pero siguro dahil chinese at kaputian.. bumili lang ako ng isang fit n right na apple.. tamang tama lang nagtanong ako kay thessa.. at papasok din pala siya. ayun nagkita kami at nagkakwentuhan sa may starbucks dun. tapos nung 5pm na.. sinamahan niya ako dun sa meeting place. "fountain". kaso may tatlong fountain sa school na yon.. sadya pala ni aims na sabihin yun >.< .. nung tinanong ko.. sabi niya dun daw sa may arch.. pagdating ko sa arch, katabi ng arch ang dalawang fountain lolz...

tapos intay lang ng konti.. pakiramdam ko nakainom ako ng sobrang tapang na kape sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. para mawala yun kahit papano.. kunwari nagpipicture ako ng kung anu ano sa paligid. then dumating na siya.

ang ineexpect ko.. may kasama siya, kasi yun yung sabi niya.. kasama niya "mga friends" niya.. tsaka baka mataray at mahirap kausapin..

walang tanong tanong, tinuro niya ako nang nakangiti at gulat ko.. parang antagal na kaming magkakilala.. hindi siya yung mahiyain.. ako pa nga yung tinanong niya kung shy daw ako.. sabi ko sa kaniya ikaw hindi ka mukhang shy e, patingin nga ng pulso mo. sabi niya... bakit.. ano naman scientific explanation kung ano kinalaman ng pulso sa pagiging shy. sabi ko.. ako kasi.. depende sa kasama ko nagiging shy ako.. at kung ichecheck niya pulso ko.. sobrang bilis ..

i don't know kung nag make ng sense yun pero masaya naman siya =,= toink..

tapos nung sabi niya upo daw muna kami, tapos kwento kwento.. kala niya talaga food yung nasa box ng roses.. kasi mukha siyang mahabang cake hehehe.. pero sabi ko roses yun.. and after giving it binati ko "happy valentines".. and i hope di kami magkailangan. sabi niya that's ok.. and hindi nagbago ang pagiging friendly attitude niya. i asked her to open it up.. pero sabi niya ayaw daw niya makita ko reaction niya xD tska.. ok sa kaniya na nasa box yun.. ayaw niya kasi ng bulgar.. o cheesy hahaha

malamok sa inupuan namin.. kahit na maliwanag pa. kaya sabi ko lakad lakad muna kami, nadaan kami dun sa bagong ayos na parang mini-park sa harap ng library.. tinanong ko siya kung free ba siya after nun, sabi niya may dinner sila ng ate niya.. sabi ko sige.. kung ok lang ba samahan ko siya pauwi.. yun naglakad kami at nagkwentuhan.. hanggang umabot kami sa tapat ng school.. tapos anlapit lang pala.. after that sabi niya bye.. ingat.. i called her and asked kung puwede ko ba siyang mayaya minsan lumabas.

sabi niya, ok lang.. basta free sched niya. xD

Friday, February 5, 2010

low riding lowrider...

agrr... sayang pera :( bumili kasi ako ng lowrider na skullcandy kahapon.. pagkabili pinabukas ko agad at tinry.. kaso err.. ngayon narealize ko parang ordinary earphones lang yung quality ng naririnig kong sound sa kaniya.. mas ok pa yung dati kong philips na in-ear.. bass quality == fail.. tapos sa sound medyo mahina, kelangan ko i-up nang todo yung mula sa psp na sound para makarinig nang maganda.. talo pa siya nung A4tech na headphones sa opis u.u really bad... sana nakinig na lang ako kay cuencs.. bose na, bilis nga lang ma-out of stock... titingin ako ulit grrrr...

the beginning of the end

olryt.. friday na.. mga 6 days na lang ako para makahinga nang maayos... maayos? napakaweird ko nga nitong linggo e. parang wala ako sa sarili. bili nang bili ng kung anu ano. etong s90 na cam, bagong damit, pants, pagkain.. tapos kanina lowrider na skullcandy... na pakiramdam ko sayang lang hehe kasi di pala ganun kabagay kasi syempre flat sa ulo.. ayaw ko naman nung sabi sa tenga.. masakit kasi yon. gulo mo ampf!

yan.. so 6 days. ndi pa rin napuputol usapan namin sa inbox sa fb.. walang may gustong "bumigay". hindi niya sinasabing ayaw niya.. grabe.. talk about suspense.

"anyway, ayoko ng surprises! di ako mhilig dun. depende nalang kung ung crush ko ung magsurprise sakn.hahaha!:))
anu ba kasi yon kuya???"

yan last niyang sinabi... errr.r..... kukulitan ba kami hanggang mismong feb 12? >.< damn... hahahaha.... 

Wednesday, February 3, 2010

you've drugged me... x_x..

grabe.. nahihibang na ba ako?? kung meron lang sana siyang profile viewer/counter/view counter whatever... baka ako na ang nasa top. di ko alam bakit pero napaka-addicted ko sa kaniya. there's something i see, i'm not sure.. pero i sure would like to find out what.. just that gusto ko siya maabutan magonline. sobrang saya ko na. kanina nga parang aatakihin ako sa puso nung naguusap kami nakwento ko rin kay eli. she freakin knows how to kill me.. >.< is she that awesome?? =,= i'm drugged..

Tuesday, February 2, 2010

pano nangyari yon?!

hm.. nitong mga sumunod na mga araw, medyo wala masyadong interesting na nangyayari. boring na nga e. haha. eto't nagaayos pa rin ng bugs. nino? ewan. di na ako makapaghintay para next week. langya. maya't maya inaabangan ko kung magoonline siya pero... ang galing. di ko maabutan watda o.o so ewan, basta susulpot na lang ako dun na parang kabute, tapos bahala na haha.

Monday, February 1, 2010

fakked up

eh.. yun, pinanood ko ulit yung ginawa kong violin video at tinawanan ko lang din haha! that sucked so bad. nagpraktis ako ulit paguwi ko ngayon, wala rin pangit talaga haha. so bakit ko pa ba tinutuloy? ewan... passion siguro, nakwento ko nga rin kay ate mhars, nung pagkatapos ko gawin yung video na yun, tsaka ko lang narealize may mahapdi na pala sa colar bone ko.. may sugat na. sumobrang absorbed ako sa ginagawa ko hindi ko namalayan na bumabaon na pala yung violin sa may leeg ko haha. natuwa ako.. rare yon para sakin hehe.

ayun... may 2 weeks (-1 day) na lang ako until yung great suicide mission. eagerly awaiting pagbukas ko ng laptop kung nandun ba siya.. bihira lang kasi yun magonline... pabugso bugso.. masaklap pa nun.. ayaw niya bigay number niya.. pano ba naman kasi sobrang bilis kong hiningi haha...

it's all good..

Saturday, January 30, 2010

a whoopass emo

sabi nila if you find happiness on other's despair, makakarma ka right? eh ano makukuha mo if you find despair on other's happiness? martyrdom? oh shyaks. medyo nalungkot lang ako, finding out someone you like is actually happy for someone else. di naman ako talaga go para sa kaniya, pero may konting pagtingin. kaso to see her get snatched away right in front of you, or you hear it from her mismo. manhid mo naman kung di ka tinamaan haha. but it's good, everyone deserves to be happy. that's right. next time tingin ko ako naman haha.. i hope my plan works out

Friday, January 29, 2010

project genocide

oks so.. sa araw na to balak kong lumabas, iaabot kay pat yung pinapaabot ni kat. kakain tapos sm manila. paubos lang ng oras hehehe. tapos bukas kakain daw sa sofitel... pataba amf..

sa ngayon.. nakiliti ang utak ko sa isang plano.. balak ko ulit magsuicide mission.. hehehehe. sana nga lang magwork ang plano. complete stranger pa rin. definitely a suicide mission hahaha... feb 12. abangan..

Wednesday, January 27, 2010

shattered memories

ayun, nagleave ako buong araw para kumuha ng license. buti na lang oks na yon hehehe. tapos paguwi nanood ng "solomon kane".. wtf movie.. sablay ang continuity.. execution. not really sure what i was watching lol. ditched it. tapos bumili ng dinner para sa pamilya, then naglaro ng silent hill hanggang matapos.. natuwa ako sa ending, kala ko yung kausap nung therapist ay si harry.. si cheryl pala.. big wtf.

until now wala pa rin yung email nung may picture na kinuha namin nila marc at geno sa maid cafe.. i guess we've been had. oh well pag nakita na lang namin ulit yung girl we'll tell her or something. left eye still a bit red. pero siguro isang tulog lang tanggal na din to hehehe.

Saturday, January 16, 2010

when you're gone

weird pero since natanong ni jameni, ano ba balak ko balang araw. parang all senses pointed into that direction.. pano ba sabihin, parang lahat ng bagay, tao, pangyayari, dun na patungo sa tanong na yon. ang sabi ko yung usual na gusto ko, na short term hehe. magkaron ng sariling pad, dream na game room, dream car. parang ganon, kaso short term lang yon. di ko naman hinangad na sumikat o maging bayani sa future haha.. simpleng buhay lang naman. yung ibang mas grand na dream siguro ay makawork sa square enix, capcom, microsoft, o google. pero totoo lang simpleng tao lang naman ako hehe. ayaw ko na ng mga yon. "aim high", yun sabi sa akin. hm... well sa ngayon siguro gusto ko muna hanapin kung ano gusto ko talagang gawin. working like how i am now.. kahit papano masasabi ko naman na semi-stable na ako hehe. di naman ako nagugutom at marami pang naiipon sa tabi. kung iisipin ko rin, by 30, sa current na work, aabot pa rin naman na at least 1m ang maiipon ko. at least, meaning.. puwedeng maging magastos ako sobra at yun lang ang matira hahaha.

25,000k (salary) * 12 (months) * 5 (years) == 1.5m (not adding in increases, bonuses, mga bayad sa utang)

so hayun. what do i want in layp? what do i want to be in the future? i don't like to answer that really.. i just don't want to live the linear kind of life hehehe.

Saturday, January 9, 2010

blurb

no real plans for this 2 days of "no work". kanina nanuod lang ng sherlock holmes. it was good pero there was something lacking to it. and then went home, bought some food my mom likes, then natulog. blag. walang magawa hehehe. nothing interesting and worth pursuing as of the moment. marami syempre.. kunwari yung violin, i think about it, but when i realize and think about it.. tinatamad na hehe. kasi naiimagine ko na bubuksan ko siya, magpapatugtog ako, tapos ilang minuto, bababa ko na rin. oh well. gusto ko sana magbadminton bukas, kaso walang kasama, tuloy yung grupo pero syempre iba pa rin pag kasama mo yung mas kilala mo di ba. yun. project is almost done, now that si eli na yung team lead, mas nakahinga ako nang maluwag at andaaaaami dami kong natapos. mas natutuwa ako ngayon hehe. just received my eval. i guess i expected it to be that way. it was just fair and right. definitely i sucked sa team management. pero no regrets naman. i tried to pull the team together with everybody's help. and as much as possible, remain sane even at the most trying moments.. it wasn't easy. it was hell haha. but it was a helluva fun. i didn't get bored. it wasn't just handling the project alone. we were around 12 people. equal.. none above the other. influence is hard to gain. the team management we had involved individual differences, uncontrollable emotions, trust issues, unloyal friends, internal conflicts, external forces.. and most often... irresponsibility. guilty din ako dun sa last.. most especially. i know there were a lot of times, hindi ko sigurado kung ano ang gagawin so i relied a lot on eli and erwin. nevertheless nagtrust ako sa lahat (not thrust :P) sa kanila, sa mga modules na hinahawakan nila. sa mga desisyon nila. possible din kaya sobrang affected ang schedule kasi definitely kaming lahat hindi kami magaling magestimate ng oras... nevertheless nagtiwala pa rin ako until the end.

it was a magnificent experience. feeling ko pumasok ako na totoy, paglabas ko lolo na. jk lol. hehe. i think naging mas mature ako somehow dahil sa lahaaaaaaaat lahat ng nangyari. mature? o manhid? both siguro..

i met someone new just this week. calls me "kuya"... wdfart..
and suddenly find myself nodding to the tunes of audioslave, parang beck.

i'm gonna be bored any minute now... >.< next time na lang ulit